Tuesday, December 19, 2006

Kukunin ang buwan, araw at langit

Dear Oliver,
Palagi akong nagbabasa ng colum mo at nais kong malaman ang mahiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago ng takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Oktubre 25, 1980. Wala pa akong asawa. Kaylan kaya ako magkakapag-asawa. Anong kayang taon, araw at buwan ang swerte ko? Bigyan mo naman ako bwenas na numero lalo na sa pagtaya ng lotto at jai alai.

OMAR NG PASIGCITY (omarell@yahoo.com)

Dear Omar,
TAGLAY mo ang mahiwagang kulay berde at itim. Ibig sabihin, madalas kang makaranas ng kakaibang lungkot at hindi ka basta- basta nakokontento sa tagumpay. Kahit ibigay sa iyo ang buwan, tatangkain mong kunin ang araw--at kapag nakuha mo ang araw, papangarapin mong maabot ang langit. Iyan mismo ang sanhi ng iyong mga kabiguan. Pero, kahit ka mabigo, malayong malayo ang mararating mo. Kumbaga, higit kang makakaangat kompara sa mga kasabay mong o kontemporaryo mo. Naiinggit sila sa iyo nang lihim pero hindi nila alam-- nalulungkot ka pa rin! Makakapag-asawa ka naman at siya ay may nunal sa tuluan ng luha. Tama isang martir ang mapapangasawa mo--dahil kung hindi, makakahiwalay mo lamang! Isang pusong nagmamahal lamang ang makakaunawa ng iyong mga kabulastugan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran hanggang sa Marso , 2007-- diyan mo makikilala ang iyong mapangangasawa. Buwenas ka rin sa 2008, 2009, 2014 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang paglagay sa tahimik at matatag na mapagkakakitaan Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles. Numero siete (7) at otso (8). Sa jai alai, isama mo ang No.6. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-27-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-23-24-27-30-34-36-40-42. Triple Number; 2-1-5/ 6-7-3/ 8-9-2. 6-digit: 3-2-3-3-4-2/ 8-4-2-1-5-2/ 8-9-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 2-13-22-35-56-67-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa violet at nasa unahan ang singko (5). Okey ang sais (6) kapag nakamarka sa blue at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa nuwebe (9) at otso (8).
(Tumbok newspaper, 22dec06)
------30--

Red sa energy

(Tumbok newspaper, 21dec06)

Dear Oliver,
ISA akong waitress sa isang desenteng restaurant pero hindi ko maiwasang pumatol sa mga kustomer na mayayaman. Naghihirap kasi ang buhay namin kaya't tinatanggap ko ang malalaking tips. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Pebrero 18, 1984. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

MARY GRACE NG DAVAO CITY

Dear Mary Grace,
KARANIWANG may sobra-sobrang enerhiya ang tulad mong nagtataglay ng mahiwagang kulay pula. Malakas ang loob at malaki ang tiwala sa sarili. Pero, dapat na maging praktikal ka at makatotohanan sa pagtatakda ng plano sa buhay. Ang lahat ng sobra ay masama! Taglay mo rin ang mahiwagang kulay maroon na nagsasabi na masarap kang magmahal. Masyado kang emosyonal na karaniwang ugat ng iyong mga kabiguan. Kalmante ka lamang at sikaping masupil ang damdamin upang makaiwas sa kapahamakan. Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo sa tao. Marami kang makakarelasyon at kapag nautusan mo ang iyong puso—walang duda na matutupad mo ang iyong mga lihim na pangarap gaano man ito kaimposible. May kaya sa buhay ang iyong mapapangasawa na siyang mag-aangat sa iyo mula sa kahirapan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang maligayang pagpapamilya at negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero,. Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Miyerkoles. Numero nuwebe (9) at sais (6) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-12-18-23-25-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 2-5-8-11-18-23-26-30-34-36-40-42. Triple Number: 4-7-9/ 1-3-5/ 7-3-1.6-digit; 5-6-8-3-1-2/ 7-2-1-3-6-2/ 7-7-2-1-3-2. Bingo Mystery Eight: 3-6-33-45-57-66-70-75. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Mainam ang tres (3) kapag nakamarka sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang siete (7) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
----30--

Monday, December 18, 2006

Mistisismo, relihiyon (Tumbok ,20dec06)

Dear Oliver,
NAIS kong malaman din ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Oktubre 16, 1967. May tatlo akong anak na nag-aaral. Nakabilanggo ngayon ang mister ko nang masabit sa nakawan. Isa siyang security guard. Napuwersa akong magtinda ng mga lutong ulam upang mabuhay kami nang maayos. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ROWENA NG TACLOBAN CITY

Dear Rowena,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Buwenas ka sa mga hindi ordinaryong larangan tulad sa mistisismo, relihiyon at mga bagong teknolohiya o imbensiyon—iyan ang pasukin mong negosyo! Sa munting tindahan mo, puwede kang mag-e-load o magbenta ng mga cellphone gadgets. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 , 2009, 2011 at 2014 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo at paglaya ng iyong asawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 18, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles. Numero siete (7) at kuwatro (4) ang mahihiwagang numero mo. Sa jai alai, isama mo ang No.2. Sa lotto,. Pumulot ka sa mga sumusunod: 2-5-11-18-23-27-34-35-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-18-23-24-27-30-34-36-40-42. Triple Number: 3-7-1/ 7-2-1/ 8-3-6/ 6-digit: 3-2-3-6-2-1/ 2-5-2-5-2-2/ 7-8-2-1-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-5-33-45-57-66-70-75. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa violet at nasa unahan ang siete (7). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa green at nasa hulihan ang uno (1 ).Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa otso (8) at tres (3).
---30-

Sunday, December 17, 2006

Berde't itim

Dear Oliver,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Hunyo 7, 1975. Hiwalay ako sa asawa at naiwan sa akin ang dalawang anak. Isa akong sales clerk sa isang mall. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Tinutulungan ako ng mga kapatid ko sa pagpapalaki sa aking mga anak. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LORRAINE NG ILIGAN CITY

Dear Lorraine,
KARANIWANG matalas ang imahinasyon ng tulad mong nagtataglay ng mahiwagang kulay berde. Marami ring tao ang kusang tutulong sa iyo sa gitna ng pangangailangan at matitinding problema. Pero hindi ka magtatagumpay nang nagsosolo kaya't makabubuting mag-asawa ka muli. Sa ikalawang pag-aasawa, makakaangat ka nang todo sa iyong buhay at magkakaroon ng isang masaya at masaganan g pamilya sa hinaharap. Taglay mo kasi ang mahiwagang kulay itim. Pasimplehin mo lang ang buhay mo at mag-concentrate ka lang sa iisang larangan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2009, 2011 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan at pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Martes. Numero siete (7) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-18-23-26-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-4-11-18-23-24-27-30-34-36-40-42. Triple Number; 3-2-6/ 8-2-1/ 7-3-1. 6-digit: 2-1-5-8-2-1/ 8-1-6-2-1-4/ 8-9-2-1-2-2. Bingo Mystery Eight: 2-5-22-45-57-66-70-75. Mapalad ang otso (8) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa asul at nasa unahan ang singko (5). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa sais (6) at dos (2).
-----30--

Australian ang makakadale, palmistry

head: Australian girl

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung matutuloy ako sa pag-aabroad. Ipinepetisyon kasi ako ng ate ko sa Australia. Ihahanap daw niya ako ng mapapangasawa doon. Matuloy kaya ako? Nabuburyong narin ako dito sa atin eh. Mahirap lang ang buhay namin dito at tangin ang paga-abroad ang solusyon sa pagdarahop. Dalaga pa ako at ipinanganak noong Mayo 6, 1983. Ilan ba ang aking magiging anak? Buwenas ba ako sa pag-aasawa? Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa?

GEMMA NG CEBU CITY

Dear Gemma,
OKEY naman. Matutuloy ka sa pagdayo sa Australia. Tama ka, makakapag-asawa ka ng isang foreigner. Malayo kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line na nakadikit sa dakong pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso). Nagsasabi ito na maninirahan ka nang matagal sa malayong lugar. Maraming bansa ang mararating mo .Buwenas ka sa paglalakbay. Magkakaroon ka ng apat na anak kasi'y may apat na guhit na pumaitaas sa dakong kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na mapagtatapos mo ng pag-aaral ang iyong mga anak na pare-parehong makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda. Makakapagpundar ka naman ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa dakong ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng middle finger).
----30--

Tulay, paslit sa dreams

head: Paslit sa tulay

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay bumabagtas sa isang tulay. Nasa kabila ng tulay ang dalawang paslit. Nang makatating ako sa kabilang pampang ay tuwang tuwa ako na kinarga nang magsabay ang dalawang paslit. Masayang masaya ako nang oras na nananaginip ako. Ipinanganak ako noong Nobyembre 5, 1982. Dalawang taon na akong kasal pero wala pa ring anak. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Isa akong clerk sa pribadong opisina. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LORETA NG CAPAZ, TARLAC

Dear Loreta,
ANG tulay ay nagsasabi na nasa gitna ka ng proseso ng pag-analisa sa iyong buhay. Sinisikap mong alamin kung saan ka nagkamali sa nagdaang panahon at kung paano mo ito maitatama para sa hinaharap. Ang paslit ay nagpapahiwatig na ikaw ay nananatiling childish o batang-isip-- pabago bago ng desisyon, atubili at nalalayo sa praktikalidad na siyang dahilan ng iyong mga kabiguan. Ang tubig o ilog ay nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives kaya't dapat mong makontrol ang pakikipagrelasyon sa opposite sex. Malinaw na magkakaroon ka naman ng anak. Masyado kang excited sa pagkakaroon ng baby kaya't napapanaginipan mo ito.Ang kasal ay nangangahulugan ng achievement o completion. Katuparan ito ng iyong mga pangarap. Katapat ng tulay ay No.11; No. 22 ang paslit; No. 36 ang pagkarga; No. 10 ang ilog; No. 25 ang masaya. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay maging mahusay na negosyante at buwenas sa biyahe. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.3. Sa jai alai, isama mo ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-18-25-34-37-40-42.