Tuesday, December 19, 2006

Red sa energy

(Tumbok newspaper, 21dec06)

Dear Oliver,
ISA akong waitress sa isang desenteng restaurant pero hindi ko maiwasang pumatol sa mga kustomer na mayayaman. Naghihirap kasi ang buhay namin kaya't tinatanggap ko ang malalaking tips. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Pebrero 18, 1984. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

MARY GRACE NG DAVAO CITY

Dear Mary Grace,
KARANIWANG may sobra-sobrang enerhiya ang tulad mong nagtataglay ng mahiwagang kulay pula. Malakas ang loob at malaki ang tiwala sa sarili. Pero, dapat na maging praktikal ka at makatotohanan sa pagtatakda ng plano sa buhay. Ang lahat ng sobra ay masama! Taglay mo rin ang mahiwagang kulay maroon na nagsasabi na masarap kang magmahal. Masyado kang emosyonal na karaniwang ugat ng iyong mga kabiguan. Kalmante ka lamang at sikaping masupil ang damdamin upang makaiwas sa kapahamakan. Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo sa tao. Marami kang makakarelasyon at kapag nautusan mo ang iyong puso—walang duda na matutupad mo ang iyong mga lihim na pangarap gaano man ito kaimposible. May kaya sa buhay ang iyong mapapangasawa na siyang mag-aangat sa iyo mula sa kahirapan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang maligayang pagpapamilya at negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero,. Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Miyerkoles. Numero nuwebe (9) at sais (6) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-12-18-23-25-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 2-5-8-11-18-23-26-30-34-36-40-42. Triple Number: 4-7-9/ 1-3-5/ 7-3-1.6-digit; 5-6-8-3-1-2/ 7-2-1-3-6-2/ 7-7-2-1-3-2. Bingo Mystery Eight: 3-6-33-45-57-66-70-75. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Mainam ang tres (3) kapag nakamarka sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang siete (7) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home