Sunday, June 04, 2006

Asul sa mag-asawa

(for TUMBOK, June 06 issue)

Dear Oliver,
Just call me Weng. Birthdate ko ay Oct 3, 1969, at sa husband ko ay Jan 12, 1961. I just want to know kung saan ba talaga kami mapalad having a business here or going abroad and make our living there? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng mahihiwagang kulay at numero na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero sa jai alai at lotto. Thank you and more power.

Weng (Rowena@yahoo.com)

Dear Rowena,
ASUL ang mahiwaga mong kulay na nagsasabi na ikaw ay masyadong ambisyosa at kadalasan ay sumusobra ito na ugat ng iyong mga problema. Masyado mataas ang iyong expectation palagi dahil sobra ang tiwala sa sarili na sanhi kaya’t pumapalpak ang iyong mga plano sa buhay. Malakas ang iyong loob kasi’y nakahanda kang isakripisyo ang iyong personal na kaligayahan kung nakataya ang kapakanan ng mga minamahal. Ang marubdob mong pagnanasa na magtagumpay ang siya ring kasangkapan mo at pundasyon sa pagtatagumpay. Dapat ay moderate lamang. Kung sisiimplehan mo lamang ang mga plano at pangarap, walang duda na matutupad mo ang iyong mga ambisyon. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay berde na nagtutulak sa iyo upang mag-atubili sa mahahalagang desisyon. Magtatagumpay ka lamang mula sa pag-asiste o pagtulong ng kapwa. Taglay mo rin ang mahiwagang No. 3 at No.2. Naiimpluwensiyahan naman ang iyong mister ng mahiwagang kulay asul din kaya’t halos magkapareho kayo ng ugali at nagkakasabay ang panahon ng inyong mga tagumpay at kabiguan. Mahalaga ang papel ng inyong mga anak upang ma-neutralize ang iyong kapalaran. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang inyong pangarap—maging ditto sa loob ng bansa o sa abroad. Kung ipopokus ang iyong atensiyon sa pag-aapply, walang duda na makakaabroad ka. Pero, malulungkot ka sa paglayo sa pamilya kaya’t maipapayo sa iyo na mas mainam kung ditto sa loob ka ng bansa na magnegosyo habang kasama palagi ang buong pamilya na magbibigay sa iyo ng ibayong inspirasyon at gana sa pagkilos. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero , Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No.2 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-19-23-27-34-39-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-23-24-27-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-6-1/ 7-8-3/ 1-5-2/ 8-9-2. 6-digit: 2-1-3-7-2-1/ 7-8-1-1-2-1/ 1-2-1-6-9-1. Bingo Mystery Eight: 3-6-28-34-47-56-68-70-74. Mapalad ang siete (7) kapag nakamarka sa brown at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa yellow at nasa hulihan ag uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home