Wednesday, November 30, 2005

berde't asul (01dis05)

Tumbok—01dis05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From; Oliver Ty Ang, Mahihiwagang Kulay at Numero

Dear Oliver,
Binabati ko po kayo ng isang magandang umaga! Alam po ba ninyong isa ninyo akong masugid na taga subaybay? Lagi po akong nagbabasa ng kolumn ninyong ito at patuloy pa rin pong magbabasa lalo na kung inyo pong ilalathala ang padala kong ito.Isinilang po pala ako noong April 25 , 1981. Gusto ko lang pong malaman ang mga mahihiwagang kulay,numero at mga taon o buwan na nakapaloob sa aking pagkatao. Maraming maraming salamat po hihintayin ko po itong email ko sa inyo.good luck po!

JOEY NG QC (tintin@yahoo.com)

Dear Joey,
BERDE at asul ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Kakulay ng berde ang luntiang dahon na nagmamanupaktura ng sustansiya upang lumago ang mga halaman at punong kahoy pero kapag hindi ito nasikatan ng araw—matutuyot ang dahon at mamamatay ang halaman. Ganyan din ang iyong buhay, marami kang natatagong talento at kakayahan pero hindi ka magtatagumpay kung hindi ka tutulungan ng ibang tao.Ibig sabihin, hindi ka makakaangat sa buhay nang nagsosolo ka. Kailangang mo magkaroon ng kapartner o kaututang dila sa bawat araw. Mas mainam kung magkakaroon ka ng alalay tulad ng mga artista at politico. Ang asul ay sumisimbolo sa kapayapaan at kapanatagan ng buhay. Kailangang makalmante ka upang makapagdesisyon ka nang maayos at tama. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran bago matapos ang taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 7, 13, 24, 25,at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Numero siete (7) at tres (3) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa 4, 9, 12, 15, 23, 26, 30 ,34, 37 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-12-18-20-23-25-30-34-37-40-42. Triple Number: 5-7-9/ 2-1-5/ 7-9-3/ 6-digit: 4-5-4-7-9-2/ 8-9-2-3-2-1/ 2-1-2-6-2-1. Bingo Mystery Eight: 4-14-34-47-56-68-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa brown at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang dos (2) kapag napagitna sa otso (8) at tres (3).
----30--

Monday, November 28, 2005

24-hour service (30nob05)

Tumbok—30nob05

ATTENTION; TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
Magandang araw po . Nabasa ko po sa diyaryo na nagbibigay kayo ng advice,kaya naisip kong sumulat na rin Ako po ay 25 years old and as of now wala pong work gusto ko po sana mag abroad kahit na domestic helper or baby sitter lang,tama po ba ang gagawin ko? January 22, 1980 po ang birthday ko. Ano po bang negosyo ang pwede kong pasukan gusto ko po makatulong sa mga kapatid ko. Pwede nyo po akong bigyan ng numero na matatayaan para sa lotto at ano pong araw,petsa at buwan o taon ang aking masuwerteng magagamit para umangat sa buhay. Salamat po ng marami hihintayin ko nalang po dito reply ninyo marami pong salamat. GOD BLESS kung me tanong po kayo isama ninyo nalang po sa reply ninyo. Salamat po.

MICHIE (micheie2005@yahoo.com)

Dear Michie,
DILAW at abuhin ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Sinag ng araw ang kakulay ng dilaw na nagsasabi na ikaw ay may sobra-sobrang enerhiya kaya’t magagawa mo ang lahat ng nais mong gawin sampu na sumuko ang iyong pisikal na katawan. Buwenas ka sa negosyo na 24-hour service. May matatanggap kang pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao at magugulat sa mga magaganap. Mapapagitna ka sa mabibilis na pagbabago sa iyong buhay kaya’t dapat na matuto kang magdesisyon dahil iyan ang magiging pundasyon ng iyong tagumpay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Linggo. Numero kuwatro (4) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-13-18-20-23-25-34-37-40-42. Triple Number: 3-4-7/ 8-9-2/ 3-4-7. 6-digit: 3-4-3-4-7-2/ 2-8-2-4-2-1/ 8-9-2-3-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-6-33-45-57-66-70-74. Mapalad ang saias (6) kapag nakasulat brown at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at uno (1).
---------30---

Thursday, November 24, 2005

berde't itim (26nob05)

Tumbok—26nob05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
Sobrang magandang umaga po! Tulad po ng mga nagpapadala sa inyo, isa po ako sa mga humahanga sa inyong talentong wala na sigurong makakapantay pa! Sana katulad din ninyo ako na nakakabasa kung kailan may magandang kapalaran ang bawat tao,para naman hindi lang kayo nag-iisa, kasi alam kong nahihirapan kayong sagutin lahat ng mga nagpapadala sa inyo .Sa sobrang dami ng mga katulad naming nais malaman ang kinabukasang naghihintay. Samantalang isa lang ang dapat ninyong ilathala sa bawat araw,pero nauunawaan po namin kayo kasi nga nag-iisa lang talaga kayo. Paano po ba ninyo nalalaman yan? (pasensiya na po! curious lang po!!!)ako po pala ay tubong San Roque subd, Don Enrique, Bulacan, Bulacan. Lagi po talaga akong nagbabasa ng kolumn ninyong ito,lalo na sa umaga ito agad ang hinahanap ko buti na lang at kaharap lang namin ang news stand. Isinilang po ako noong Oct. 2, 1984. Gusto ko lang pong malaman kung may kakambal po ba akong swerte sa buhay.Patigil tigil po kasi ako sa pag-aaral, makakatapos din po ba ako ng pag-aaral? Yung mga numero din po pala at kulay at mga taon, buwan na naghihintay sa akin ng kapalaran.

BERNARDO (arrandian@yahoo.com)

Dear Bernardo,
ANG mga karunungan napapaloob sa espasyong ito ay bunga ng mahigit 30 taong pagsasaliksik at aktuwal na hinango mula sa mga tunay na karanasan ng mga kliyente o taong kumunsulta at nakatuklas ng lihim ng hiwaga ng mga kulay at numero sa kanilang buhay. Tulad mo Bernardo, malinaw na bahagi ka na mismo ng pagsasaliksik at kumpirmasyon na ang taong nagtataglay ng mahiwagang kulay berde at itim na gaya mo ay karaniwang nag-aatubili sa pagdedesisyon at madaling maimpluwensiyahan ka ng kapwa. Mag-ingat sa mga manloloko particular sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Pero, alam mo bang ang iyong buhay at buwenas ay nakasandal sa impluwensiya ng mga taong nasa paligid mo. Piliing mabuti ang mga tao sa iyong paligid gayunmanm, gaano man sila kasama o kawalang-hiya, darating ang panahon na makakatulong din sila sa iyo pagdating ng panahon. Manatiling mabait at maunawain sa bawat sandali. Buwenas ka sa mga religious items at mga hindi pangkaraniwang kaalaman. Magtanim ka ng berdeng-berdeng halaman na may bulaklak na kulay asul upang buwenasin ka at makalmante sa gitna ng mga problema—iyan ang hihigop ng magandang kapalaran sa paligid. May naghihintay sa iyo na buwenas bago matapos ang taong ito, 2005 pero tatagal pa ito sa 2006 at babalik sa 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap. Hahawak ka ng katungkulan. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Numero dos (2) at siete (7) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 8, 11, 17, 23, 27, 34, 37 at 42. PARA sa masusuwerteng numero: MAGIC 12: 2-7-11-15-19-23-25-30-34-37-40-42. Triple Number: 4-8-1/ 6-8-2/ 4-3-7/ 8-9-3.6-digit: 3-6-2-1-2-7/ 8-9-2/ 3-2-6. Bingo Mystery Eight: 2-7-20-25-33-45-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9) at uno (1).
----30--

Sunday, November 20, 2005

marun n grin

Tumbok—22nob05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From:Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
Magandang umaga po! Talaga pong inagahan ko para naman po mabasa agad ninyo itong email ko. Kasi po no.1 fan po ninyo ako ng kolumn ninyo,ang galing galing naman po ninyo kahit ang dami-daming nagpapadala sa inyo eh nasasagot agad ninyo ng husto talaga sa katanungan ng nagpadala. Sana ganun din po ako. Ako nga po pala ay tubong Medalva, Binangonan, Rizal. Isinilang po ako noong Dec.6,1982. Gusto ko lang pong malaman kung may naghihintay pa bang magandang bukas para sa aking pamilya? Malapit na po kasing binyagan ang aking anak,samantalang hindi naman po regular ang trabaho ng asawa ko pa sideline sideline lang po siya. Isinilang po pala siya noong Oct.20,1980, magkakaroon po ba siya ng maayos na trabaho? Bigyan po ninyo kami ng mga paraan kung ano ang dapat naming gawin,at yung mga numero,kulay at kailan po ba ito magaganap? Maraming maraming salamat po huwag po sana kayong magsasawa sa pagtulong sa mga katulad namin.hihintayin ko po ito. Ano ba ang masusuerte kong taon, buwan at petsa at kung ano ang buwenas na numero sa jai alai at lotto.

JOSE tracy@yahoo.com)
Dear Jose,
MAROON at green ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kulay ng natutuyong dugo ang maroon. Sumisimbolo ito ng pagiging martir at bayani. May kakayahan kang lampas an ang matitinding pagsubok kung nakataya ang kapakanan ng mga minamahal. Malakas ang iyong personalidad kaya’t madalas na nalalayo ka sa praktikalidad. Kung sisimplehan mo lamang ang iyong mga pangarap walang duda na matutupad mo at magiging maligaya ka. Maraming tao ang magkukusa na tulungan ka na siya mismong mag-aangat sa iyo tungo sa pananagumpay. Manatiling mapagpakumbaba at maunawain sa kapwa. Numero sais (6) at dos (2) ang buwenas mong numero. Kulay berde rin at asul ang buwenas ng asawa mo. Numero dos (2) at tres (3) ang buwenas niya. Compatible kayo at hindi nalalayo ang kapalaran. Kung magpaparamdaman kayo ng wagas na pagmamahal, mabilis na mahihigop ninyo ang magandang kapalaran naririyan lamang sa inyong tabi. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran bago matapos ang taong ito, 2005 pero mananatili ito hanggang sa 2006, 2007, 2008 at 2009 kung saan matutupad ang matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapabuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No.2 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 2-6-11-15-19-23-28-30-34-37-40-42. Triple Number: 2-6-8/ 1-3-6/ 8-9-3. 6-digit: 3-2-3-6-8-2/ 1-2-1-2-7-2/ 7-8-2-3-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-16-34-47-55-60-70-75. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang tres (3) kapag nakamarka sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
---30--

Friday, November 18, 2005

maroon, green (20nob05)

Tumbok---20nob05

ATTENTION: TUMBOK C/O RONIfrom: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
ALAM po ba ninyong ang tagal tagal ko ng nag ee-mail sa inyo? Pero hindi pa rin po lumalabas! Halos araw araw nga po akong nagbabasa ng kolumn ninyong ito eh, dahil inaabangan ko rin yung padala ko sa inyo. Pasensiya na po kung masyado akong makulit, gusto ko lang po talagang malaman kung may maganda pa bang kapalaran ang naghihintay sa amin? Tanging vulcanizing shop lang po ang hanap buhay namin dito po sa Masinag. Sana naman po sa huling pagpadala kong ito eh makarating na po sa inyo at mailathala na rin po ninyo sa Tumbok, Isinilang po ako noong Marso 15, 1955, bigyan naman po ninyo ako ng mga numero,kulay na maaari kong gamiting gabay sa pang araw araw.at bigyan din po ninyo ako ng payo kung ano bang negosyo ang nararapat sa amin.maraming salamat po hihintayin ko po ang inyong kasagutan.

RAQUEL NG MASINAG, COGEO, ANTIPOLO CITY (Raquel@yahoo.com)

Dear Raquel,
PASENSIYA ka na hija, talagang marami ring natabunang e-mal sa ating file at mabuti naman dahil inulit mo.Sinisikap na natin ngayon masagot agad at lahat ng mga nag-emal upang makasilbi tayo nang maayos sa ating mga tagasubaybay. Maroon at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Numero sais (6) at dos (2) ang mahihiwaga mong numero. Masyado kang emosyonal kaya’t angkop ang welding shop sa iyo bilang negosyo. Mainam sana kung sarili mo ang puwesto at sikapin mong maparami ang suki sa pamamagitan sa pakikipag-kaibigan sa kanila. Pasyalan mo ang mga suki sa kanilang mga bahay upang maging personal ang inyong relasyon. Kapag marami kang suki, patuloy kang uunlad at ilan sa kanila ang kusang mag-aalok sa iyo ng oportunidad upang guminhawa ang iyong buhay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na ikabubuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3,9, 14, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No. 2 ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-12-16-23-25-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-9-11-16-20-22-29-34-36-40-42. Triple Number: 2-6-7/ 4-1-7/ 8-9-3. 6-digit: 3-2-3-6-2-1/ 2-3-6-2-1-2/ 7-9-3-4-3-2. Bingo Mystery Eight: 2-6-34-47-55-67-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang siete (7) kapag napagitna sa o9tso (8) at dos (2).
----30--

Wednesday, November 16, 2005

marun, grin (18nob05)

Tumbok—18nob05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
Matagal na po akong nagbabasa ng kolumn ninyo sa Tumbok at talagang naeengganyo ako sa inyong mga kasagutan kaya naman heto po ako’t isa na sa mga nagpadala sa inyo. Ako po’y sinilang nung July 24 ,1969. Nais ko rin po sanang humingi ng gabay na magagamit kong mga numero at kulay na maaari kong gamitin sa pagtaya man lang sa kahit na anong klaseng laro.at ganun din po bigyan din po ninyo ako ng mga araw at taon na naghihintay sa akin ng magandang kapalaran.Bigyan mo ako ng numero sa jai alai at lotto.

BANDONG NG DAVAO CITY (aika@yahoo.com)

Dear Bandong,
MAROON at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Maroon ang kulay ng natutuyong dugo na sumisimbolo sa pagiging martir. Malinaw ditto na may kakayahan kang isakripisyo ang sariling kaligayahan kung nakataya ang kapakanan ng mga minamahal. Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo sa kapwa tulad ng room for rent, repair shop at re-packing. Ang berde ay kulay ng sariwang dahon na nagpapahiwatig ng kasiglahan ng buhay. Puwede kang maging mahusay at makaangat sa tatlong magkakahiwalay na larangan. Maaari kang maglagay ng iba’t ibang branches sa iyong negosyo.Okey ka sa networking business. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapbuhay. Numero sais (6) at siete (7) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 5, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Linggo. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-20-25-27-30-34-38-40-42. Triple Number: 3-7-9/ 3-8-5/ 2-3-7. 6-digit: 2-1-2-5-2-4/ 6-8-2-3-2-6/ 7-2-1-4-2-3. Bingo Mystery Eight: 3-14-22-33-45-57-70-74.Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa brown at nasa unahan ang otso (8). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
----30---

Monday, November 07, 2005

red n' gray

Tumbok (08Nob05)

Dear Oliver,

Nais ko pong malaman ang mahiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at trabaho sa takbo ng aking buhay. Sa kasalukuyan ay may dalawang magandang oportunidad sa pag-aaply ko ng trabaho. Kung sakaling matanggap nila ako,alin po ang nababagay o nararapat sakin para maswerte? Ipinanganak ako June 9,1970. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ang swerte kong taon,buwan,at petsa? Bigyan mo din ako buwenas sa numero lalo na sa pagtaya sa lotto. Maraming salamat! Warm regards.

AU AU (goddess@yahoo.com)

Dear Au Au,

HINDI mo naman binanggit ang espesipikong inaalok sa iyo na oportunidad. Gayunman, kung alin ang alok na may kaugnayan sa paglalakbay, pagbibiyahe, paga-analisa o gagamit ka ng imahinasyon, pakikipagsapalaran at higit na may paghamon sa iyong kakayahan—iyon ang tanggapin mo. Umiwas ka sa mga alok na matuturuan ka ng katamaran, masyadong simple, boring o magaan ang trabaho.Mas mahirap ang trabaho, mas angkop para iyo! Taglay mo kasi ang mahiwagang kulay pula at gray.Kailangang lagging sumusulak ang iyong dugo sa excitement at pagsisikap sa trabaho.Mabibilis na pagbabago ang magaganap at magtataka ka pa sa mga magaganap. Walang duda na makapaga-abroad ka. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, pero uulit sa taong 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 19, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero nuwebe (9) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-38-40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-7-8-11-15-19-23-28-34-39-40-42. Triple Number: 4-3-7/ 9-1-5/ 1-2-7/ 6-digit: 3-2-9/ 4-3-7/ 2-1-4/ Bingo Mystery Eight: 3-15-24-35-56-67-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang dos (2). Mainam ang sais (6) kapag nakaporma sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang nuwebe (9) kapag napagitna sa otso (8) at tres (3).

---30---

Friday, November 04, 2005

marun n' yelo

Tumbok (06Nob05)

Dear Oliver,

Nais ko pong humingi ng masuwerteng numero at kulay, Ako po ay isinilang noong Marso 24, 1984. May pag-asa pa po ba kaming makaahon o ako ay yumaman, bigyan ninyo po ako ng advice, may pag asa pa po ba akong makapag-asawa sa kabila ng kapansanan kong ito, Maraming salamat po.

WILLIAM (holetz@yahoo.com)

Dear William,

MAROON at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kulay ng natutuyong dugo ang maroon at sumisimbolo sa isang wagas na pag-ibig. Masarap kang magmahal at masyadong emosyonal. Kailangang makontrol mo ang simbuyo ng damdamin upang magtagumpay ka. Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo. Walang duda na malalampasan mo ang mga pagsubok.Puwede kang magpundar ng munting sari-sari store kung saan minimal o hindi ka gaanong kikilos. Hindi dapat masira ang iyong loob, dahil hindi naman pisikal na katawan lamang ang batayan ng pag-asawa, kaya’t ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagiging matulungin, mabait at maunawain sa kapwa. Siyempre, hindi ka rin dapat palapintasin at maging pihikan sa babae—ang mahalaga sa lahat ay magkaroon ka ng pamilya na makakasama mo sa habang buhay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 17, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Linggo. Numero sais (6) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1- 4- 10-16- 20-23- 26- 30-34- 37-40-42. Triple Number: 3-6-7/1-2-7/ 8-9-3/ 3-2-6. 6-digit: 3-3-7-2-1-4/ 7-3-5-6-7-2/ 1-2-1-6-8-2. Bingo Mystery Eight: 2-6-23-36-44-67-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa blue at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa orange at nasa hulihan ang dos (2).Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa siete (7) at otso (8).
---30---

Thursday, November 03, 2005

grey n blak

Tumbok (05Nob05)

Dear Oliver,

Isa ako sa tagasubaybay ng iyong column,at naglakas loob na ring sumulat sa inyo,dahil tulad ng iba gusto ko rin malaman ang mga kulay at swerteng numero na magdadala ng buwenas sa aking pamilya. Ipinanganak ako noong Enero 14,1973,at ang mister ko naman ay Enero 6,1969. Isa po siyang seaman, at dahil hindi na niya kayang lumayo pa sa amin, gusto na sana niyang tumigil sa pagbabarko at pagtulungan na lang naming mag-asawa na palaguin ang konting sari-sari store na naipundar namin sa ngayon pero ang problema hindi pa sa sapat ang kita ng negosyo namin para mapunan ang pangangailangan namin araw-araw. Kaya sa ngayon gusto kong malaman kung ito ba ang tamang negosyo para sa aming mag-asawa? Ito'y inumpisahan namin noong June 18,2004. Pwedeng bigyan mo rin po ako ng masuwerteng kulay o bagay na pwedeng panghatak sa mamimili na pwede ko ilagay sa store namin? At ano ang masuwerteng petsa, buwan at taon naming mag-asawa?

Iberjedze (iberjedze@yahoo.com)

Dear Iberjedze,

GRAY at black ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Mabibilis na pagbabago ang magaganap sa iyong buhay kaya't mahalagang matuto kang magdesisyon nang mabilisan. Buwenas ka sa negosyo na mabilis na umiikot ang puhunan-- yun tipong sa maghapon ay mabilis mong ihihiwalay ang profit mula sa kapital. Ituloy mo lamang ang sari-sari store pero dapat na sabayan mo ito ng maliliit pang negosyo na madaling makompiyut ang kinikita sa bawat araw tulad ng barbekyu sa hapon; balut-penoy sa gabi, diyaryo at pandesal sa umaga--sa ganyang tatlong klase, mapapaikot mo ang P500 sa maghapon--malinaw na kikita ka dyan nang malaki at malinaw bukod pa ang sari-sari store. Lagyan mo ng kulay gray ang dingding ng tindahan at magmarka ka ng signboard na may border line na itim--iyan ang buwenas mo. Numero singko (5) at otso (8) ang suwerte mo. Kulay gray din at maroon ang buwenas ng mister mo--kapag nag-concentrate kayo sa negosyo, mabilis kayong yayaman nang hindi ninyo sukat-akalain. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006, 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang maunlad na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 22, 26, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No.8 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-39-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-14-19-23-28-31-34-38-40-42. Triple Number: 3-5-1/ 6-8-2/ 8-2-6/ 7-2-4. 6-digit: 2-1-2-6-2-1/ 7-8-2-2-1-2/ 9-0-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-12-24-34-55-67-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa orange at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa siete (7) at tres (3).
---30---

Wednesday, November 02, 2005

asul , dilaw

Tumbok (04Nob05)

Dear Oliver,

Ako po ay isinilang noong Marso 30, 1960. Ano po ba ang lucky color at number ko ?Ano ba ang magiging kapalaran ko sa taon 2006. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin po rin ako ng lucky lotto numbers. Marami pong salamat and more power.

CHARLIE (yao@yahoo.com)

Dear Charlie,

ASUL at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kapanatagan at kapayapaan ang ibinabadya ng kulay asul tulad din ng bughaw na kalangitan at karagatan sa panahon ng tag-araw. May likas kang talino at kakayahan na makaangat sa buhay. Pero kailangan mong matutuhan na magdesisyon nang maayos.Ang dilaw ay kakulay ng sinag ng araw, na nagsasabi na may sobra-sobra kang enerhiya at resistensiya upang gampanan ang gaano mang kahirap na pagsubok at responsibilidad. Maselan at masalimuot ang naghihintay sa iyo sa taong 2006, ipagpaliban mo ang iyong mahahalagang desisyon tungo sa 2007 pero kailangan mong mapagsuri o mapagmasid sa kabuuan ng 2006. Ito ang iyong deciding year, umiwas ka sa mga bisyo at mga walang kuwentang aktibidad upang hindi mapahamak sa 2006 at mapasakamay mo ang magagandang hatid ng buwenas mong taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 22, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero tres (3) at four (4) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No 5. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 7, 11, 18, 23, 26, 34, 36 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-19-23-26-28-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-9-2/ 1-2-5/ 8-9-2. 6-digit: 2-3-2-8-2-2/ 7-8-2-2-5-2. Bingo Mystery Eight: 3-8-34-47-55-67-70-73. Mapalad ang otso (8) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang sais (6) kapag nakamarka sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).

---30---