Monday, October 24, 2005

red n gray

Tumbok (26Oct05)

Dear Oliver,

Magandang araw sa inyo. Sumulat po ako dahil nabasa ko po ang kolumn mo sa pahayagan. And I’ m so very impressed for it. Sana tulungan mo akong malaman kung sino talaga ako? At bakit ba ang taong nagustuhan ko ay walang gusto sa akin? At ang tao namang nagkagusto sa akin ay hindi ko nagustuhan? Bakit ba? Hindi naman po ako pangit! At saka sa iskul, hindi nila mapapansin ang kakayahan ko na kaya ko talaga. Bakit? Sana matulungan niyo po ako. By the way this is my birthday: June 09 , 1988. Sana po masagot nyo ang aking mga katanungan.

AISA (aisa78@yahoo.com)

Dear Aisa,

PULA at abuhin ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Masyadong emosyonal ang mga tulad mong may mahiwagang kulay pula. Perfectionist ka o pintasero kaya’t mahihirapan ka na magkaroon ng relasyon na matagalan. Hindi mo magawang ibigin o magustuhan ang mga manliligaw mo kasi’y kapag nakakita o nakatuklas ka ng negatibong bagay tungkol sa kanya ay nawawalan ka na ng amor o pagkagusto. Masyado ka namang curious sa mga taong bago mong kakilala o mga taong mahirap arukin na napagkakamalan mong “mahal” dahil nasasabik ka sa pagtuklas. Mas gusto ng iyong subconscious na nakikipagsapalaran o nagdaraang sa butas ng karayom kaysa magaan mong nakukuha ang lahat. Naiirita sa iyo ang mga taong nasa paligid mo, pero kapag nawala ka sa kanilang sirkulo, doon lamang nila mare-realize ang iyong kahalagahan.May dugo kang martir at masarap magmahal.Mabibilis na pagbabago ang magaganap sa iyong buhay dahil taglay mo ang mahiwagang kulay gray. Kailangang matuto kang magdesisyon nang agaran pero tumpak upang hindi maaksaya ang magagandang oportunidad na kakatok sa iyong pintuan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng karelasyon, pag-asawa at pagkakaroon ng anak.Buwenas ka sa mga buwan ng Enero , Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero nuwebe (9) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama ang No.2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-5-11-18-20-23-28-30-34-38-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 78-2/ 3-2-6/ 1-3-7. 6-digit: 3-2-3-6-7-1/ 1-2-1-7-2-1/ 7-8-2-4-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-15-34-46-55-67-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa orange at nasa unahan ang nuwebe (9). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
---30---

Saturday, October 22, 2005

itim

Tumbok (24Oct05)


Dear Oliver,

Ipinanganak ako noong Oktubre 17, 1976 bandang 6:25 ng umaga. Wala akong karelasyon ngayon. Isa akong “BI”. Balak kong mag-abroad, alinman sa Canada, London o Italy. Matuloy kaya ako ditto? Kailan kaya ito magaganap? Maging maligaya kaya ako sa magiging karelasyon ko sa hinaharap? Anong kulay ang buwenas ko? Paborito ko kasi ay blue. Buwenas ba ako sa sugal? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

CIS17 (chris76@yahoo.com)

Dear CIS17,

ITIM at abuhin ang buwenas mo. Extreme ang mga magaganap pero ito ay maaaring negatibo o positibo. Dulot ito ng impluwensiya ng itim na karaniwang binibigyan ng negatebong kahulugan. Pero, kung mananatili kang kalmante at panatag sa bawat oras, magagamit mo ang itim sa pagkakamal ng malaking kayamanan. Konsentrasyon ang sekreto sa iyong pagtatagumpay kaya’t dapat na isakripisyo mo ang ilan sa iyong mga pangarap; magkaroon ka ng disiplina at tukuyin nang malinaw ang mga pangarap na nais mong makamit. Ang gray ay nagsasabi na mabibilis na pangyayari ang mga magaganap kaya’t kung matututo kang magdesisyon nang malinaw at tumpak, mabilis kang uunlad nang hindi mo inaasahan. Walang duda na matutuloy sa abroad at lahat ng lugar na tinukoy mo ay mararating mo. Okey din ang blue sa iyo pero ito ay gagamitin mo lamang sa gitna ng matinding kalungkutan o sa panahon na nalulungkot ka at naguguluhan ang iyong isip. Likas ka kasing malulungkutin at napapagitna sa intriga. May pambihira ka ring buwenas sa sugal pero hindi ka dapat malulong kundi tatsambahan mo lamang tuwing buwenas na buwan, araw at petsa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay, masayang relasyon at pangingibang bansa. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8,11, 178, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero otso (8) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-19-20-23-29-30-34-39-40-42.Triple Number: 3-2-7/ 8-2-1/ 7-8-3/ 1-6-2. 6-digit; 2-1-2-6-7-2/ 7-8-2-1-2-5/ 1-7-2-5-2-5. Bingo Mystery Eight: 3-17-34-47-55-67-70-73. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa violet at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang siete (7) kapag nakamarka sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang sais (6) kapag mapagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30---

Friday, October 21, 2005

8's black

tumbok (23Oct05)

Dear Oliver,

Magandang araw po sa inyo! Di' ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa ako nakahanap nang trabaho... baka may humahadlang na numero at kulay na malas sa akin sa panahong ito. Pumunta po ako dito sa Maynila at nagbakasali na matanggap bilang "ofw" sa ibang bansa ngunit wala pa rin akong mahanap bagkus ako'y experto naman sa aking propesyon. Tanong ko lang po, may pag-asa po ba ako na makapag abroad? o dili kaya ay dito sa bansa natin ako makapagtrabaho? May swerti po ba ako sa negosyo? Ano po ang aking mahiwagang kulay at numero at kailan po ako swertehin? Ako po ay ipinanganak noong Septyembre 8,1960 at ang asawa ko po naman ay January 1,1968. Sana malinawagan mo ako sapagkat halos nawawalan na po ako nang pag-asa. Salamat.

TOTO (eskaleytor05@yahoo.com)

Dear Toto,

TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang kulay itim at No.8 person na makaranas ng kakaibang lungkot kaya't nasisira ang diskarte at nawawalan ng konsentrasyon at direksiyon sa buhay. Nagpapatangay ka lang kasi sa agos ng buhay imbes na maipokus mo ang iisang bagay o larangan o pangarap ang iyong atensiyon. Konsentrasyon , dedikasyon at disiplina sa sarili ang susi sa iyong pagtatagumpay. Pero kung wala ka namang kongretong plano sa iyong buhay o pamilya--wala kang kauuwian kundi puro kalungkutan at paghihinagpis! Kailangang isakripisyo mo ang ilan sa marami mong pangarap, piliin mo lamang ang mga magkakaugnay. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay maroon na nagsasabi na masyado ka ring emosyonal kaya't dapat na makontrol mo ito. Hawak ng misis mo ang mahiwagang kulay dilaw at itim--at tulad mo, kailangan niyang malaman ang direksiyon at plano sa buhay. Sikapin ninyong makalmante kayo at mapanatag upang makapagdesisyon nang maayos. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa lupa o agribusiness at maaari rin ang services tulad sa rentals, repair center at iba pa.May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006, 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero sais (6)ang buwenas mo. No.8 at No.1 ang buwenas ng misis mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No.8 ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-18-23-27-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 3-6-11-18-20-23-25-30-34-36-40-42.Triple Number: 3-6-1/ 7-8-2/ 1-2-8/ 8-9-2. 6-digit: 3-2-3-6-7-1/ 3-2-1-6-7-7/8-9-2-2-1-2.Bingo Mystery Eight:4-8-11-19-56-68-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang otso (8) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
----30---

Tuesday, October 18, 2005

maroon n' yelo

Tumbok (20Oct05)


Dear Oliver,

Ako po ay isang ginang na may 6 na anak. Gusto ko po ang kolou ninyo dahil nakapagbibigay po kayo nang numero at kulay na masuwerte para sa inyong mababasa. Ako po ay ipinanganak noong Marso 6,1966. Ano po kaya ang aking mahiwagang kulay at numero? Kailan po ako may suwerte sa lotto? Sana mapagbigyan mo po ako and more power to you!

Nympha (nympha05@yahoo.com)

Dear Nympha,

MAROON at yellow ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng buhay. Buwenas ka sa No. 6 at No.1. Kapwa malakas ang impluwensiya ng iyong mahihiwagang kulay na nagsasabi na kadalasang sumusobra ang tiwala mo sa sarili mo na siyang dahilan mismo ng iyong mga kabiguan.Kailangang maging praktikal ka at huwag mangarap ng mga sang-iglap na yaman o pag-unlad. Dapat mo maunawaan na ang tagumpay at tulad ng isang punong kahoy na nagsisimula sa munting butyl bago dahan- dahang yayabong tungo sa malahiganteng punong kahoy sa hinaharap. Konsentrasyon, disiplina, inspirasyon at malinaw na mithiin sa buhay ang susi sa iyong pag-unlad. Kapag wala kang espesipikong layuinin o ambisyon sa buhay—walang duda na mabibigo ka! May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008, 2010 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at matagumpay na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre kung saan kasusuwertehin sa mga number games lalo na sa mga petsang 1, 7, 13, 17, 22, 27 at 31 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No.6 at No.1 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-28-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-4-11-18-23-27-30-35-40-42. Magic 12: 2-5-11-19-20-23-27-30-34-38-40-42. Triple Number: 5-6-2/ 7-8-2/ 1-2-5. 6-digit: 4-3-4-6-7-2/ 1-2-1-2-4-2/ 8-3-6-2-2-6. Bingo Mystery Eight: 4-16-33 -44- 56-68-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang dos (2). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa sais (6) at uno (1).
-------30---

Thursday, October 13, 2005

itim at dilaw

Tumbok (14Oct05)


Dear Oliver,

BIGYAN mo rin ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 26, 1970. Isa akong vendor sa palengke pero maliit lang ang kita ko. Nagpapa-aral ako ng apat na anak. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LANDO NG MALABON CITY

Dear Lando,

ITIM at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Extreme ang ipinahihiwatig ng itim. Nagsasabi ito na ikaw ay maaaring masadlak sa dalawang extreme situation—matinding kabiguan o matinding tagumpay. Hindi ka makakaranas ng average na antas ng pamumuhay tulad ng ordinaryong tao. Nagsasabi ito na ikaw ay makakaangat sa pinakamataas na antas ng pananagumpay kung magkaroon ka ng disiplina, malinaw na direksiyon sa pagkilos at konsentrasyon sa iisang mithiin. Pero kung magkakaroon ka ng magulong sistema, masasadlak ka sa pinakagrabeng kalungkutan. Nangangahulugan ito na maaari mong mapalaki ang iyong negosyo sa pagpupundar ng sariling puwesto at sasakyan.May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 15, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Linggo. Numero otso (8) at uno (1) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 2-5-11-18-20-23-27-30-34-38-40-42. Triple Number: 3-2-8/ 8-9-3/ 1-2-4/ 4-3-7. 6-digit: 2-1-2-6-7-2/ 2-1-2-6-2-7/ 8-9-2-2-1-1. Bingo Mystery Eight: 3-6-23-36-56-68-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa siete (7) at singko (5).
---30--

Wednesday, October 12, 2005

red n maroon

Tumbok (13Oct05)

Dear Oliver,

I am married to a beautiful and very responsible wife
and we are gifted with a loving son. I worked in
Saudi Arabia for 6 straight years until forced to go
home for good when our son suddenly got sick and
almost died. But thank god he was survived and now
growing very healthy.
Sir, gusto ko sanang hingin ang tulong nyo kung anong
magandang kulay at swerteng numero ang dapat kong
gamitin. Nahihirapan na kasi akong maghanap ng
trabaho pa-abroad simula nung mag-resign ako nung
2002, at ngayon ay gusto ko na ulit umalis para
makapagtrabahong muli. Kung pwede po ay pakibigyan
nyo rin po ako ng buwenas na araw at numero kung
sakaling ako ay tataya sa karera ng kabayo. Ang bday
ko po ay October 18, 1967, Libra po ang zodiac sign
ko. Sir, pwede ko po bang malaman kung makakaalis po
ba ako ulit para magtrabaho sa abroad? Kung oo ay
kailan po kaya ito at saan po? Magiging successful po
ba ako sa pag-alis kong muli?
Gusto ko rin pong basahin nyo ang kapalaran ng
asawa ko na kasalukuyang nasa abroad at nagtatrabaho
bilang nurse. August 28, 1967 naman po ang bday nya.
Nag-aapply din po syang bilang nurse sa iba pang bansa
na mas maganda at gusto ko pong malaman kung saan po
kaya sya makakapunta sa mga bansa na pinag-aaplayan
nya. Kelan po kaya ito? Kami na po ba ang
magkakasama habang buhay?


BALOT NG CAMARINES SUR (baduy05@yahoo.com)

Dear Balot,

PULA at maroon ang mahihiwaga mong kulay. Buntala ng Mars at Venus ang kumokontrol sa iyong pagkatao.Buwenas ka sa No.9 at NO.6. Kailangan mong magpakumbaba at maging praktikal.Sa karera ng kabayo, tayaan mo ang kabayo No.3 kapag nakapula ang hinete; at kabayo sa No.1 kapag nakadilaw ang magrerenda. Matutuloy ka uli sa abroad kung magko-concentrate ka sa pag-aapply. Marami pang bansa ang mararating mo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagtatrabaho sa ibang bansa at pagpupundar ng negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 13, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Linggo at Sabado. Taglay ng misis mo ang mahiwagang kulay dilaw at abuhin. Mananatili kayong dalawa bagaman may lihim siyang kalungkutan na mahirap ipaliwanag—higit siyang buwenas sa paglalakbay. Buwenas siya sa No. 1 at No.5. Sa jai alai, isama mo sa No. 9 at No.6 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero:Magic 12: 1-5-11-14-19-23-27-30-34-38-40-45. Triple Number: 3-4-7/ 1-2-5/ 8-9-2/ 6-digit: 2-3-2-7-8-2/ 1-2-1-2-6-7/ 8-2-1-3-5-2. Bingo Mysytery Eight: 4-15-33-44-56-68-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa itim at nasa hulihan ang uno (1).Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
---30--

Monday, October 10, 2005

red n grin

Tumbok (12Oct05)


Dear Oliver,

IPINANGANAK ako noong Nobyembre 09, 1980. Hindi na ako nakapagpatuloy sa pag-aaral at wala akong trabaho. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang kulay at numero upang maging bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Gusto kong tulungan ang mga magulang ako kaya’t nais kong yumaman upang hindi na rin ako maapi sa aming lugar. Sa totoo lang po, may kapansanan ako, makapaghahanapbuhay kaya ako? Kapag nagpamilya na ang mga kapatid ko, ayaw ko naming maging pabigat sa kanila. Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa jai alai at lotto. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

JENNY (jenn@yahoo.com)

Dear Jenny,

PULA at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. May sapat kang lakas ng loob at determinasyon na lampas an ang anumang katinding pagsubok kaya’t tiyak na makakakita ka ng mapagkakakitaan. May isang taong magkukusang tumulong sa iyo na siyang magpapasimula ng iyong pag-unlad. Manatili kang mapagpakumbaba sa gitna ng mga kaapihan na nararanasan mo. Ang tao ay hindi pisikal lamang kundi ito ay binubuo ng puso, isip at kaluluwa—diyan ka lulutang nang higit kaysa sa iba! Buwenas ka sa may mahihigpit na kakumpitensiyang produkto tulad ng prutas, decoratice items at iba pa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa nalalabing araw sa taong ito, 2005 pero bubuwenasin ka muli sa taong 2007 ay 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 19, 23, 28 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero nuwebe (9) at dos (2) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-7-11-17-23-27-30-33-35--37-40-42. Triple Number: 2-1-6/ 6-8-2/ 6-7-2. 6-digit; 3-2-3-6-2-1/ 6-7-2-2-2-1/ 8-9-2-1-2-1/ Bingo Mystery Eight: 2-22-29-45-57-66-70-74. Mapalad ang siete (7) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe 99) at tres (3).
---30---

Sunday, October 09, 2005

grey n grin

Tumbok (11Oct05)


Dear Oliver,

TATLONG beses ko nang binabasa ang kolum mo at natutuwa akong nabibigyan mo ang mga reader ng magagandang payo sa kanilang buhay. Nais ko rin humingi ng tulong sa iyo. Marami po ako kasing utang at alam po ng pamilya ko yun but unfortunately hindi nila ako kayang tulungan dahil walang wala din po sila ngayun. I'm trying my luck sa pagtaya sa lotto lagi nagbabakasakali sa ganun paraan pagnanalo ako mabayaran ko mga utang ko po pero hanggang ngayon wala talaga. At nawawalan na po ako ng pag asa. Nang nabasa ko po ang column nyo parang nabuhayan po ako ng loob at ngayon sumulat na po ako. Ang birthday ko po November 23, 1980. Ano po ang lucky number ko sa lotto at ang lucky color ko po? May pag -asa po ba ako umahon sa kinalalagyan ko po ngayun? Sana matulungan nyo po ako sa kahilingan kong ito...maraming maraming salamat po.

OZING (oxing@yahoo.com)

Dear Ozing,

ABUHIN at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Mag-alaga ka ng halamang may berdeng- berdeng dahon at ang bulaklak ay kulay asul na asul o violet tulad ng orchids. Nakasandal ang iyong kapalaran sa mga taong nasa paligid mo kaya’t dapat na maging mabait, matulungin at mapagpatawad sa kapwa. Maraming oportunidad na darating sa iyo pero higit kang buwenas kung maglalakbay. Kapag nag-apply ka sa ibang bansa ay tiyak na matutuloy ka. Dapat ay lagging mayroon kang ka-buddy buddy tulad ng mga artista na may mga amuyong o alalay tulad ng mga politico. Walang duda na makakaahon ka sa hirap kasi’y may isang kilalang tao na tutulong sa iyo. Buwenas ka sa mga produktong may tubig o likido.May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa nalalabing buwan ng 205 pero uulit ang buwenas sa taong 2009 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pag-ahon sa kahirapan at matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 16, 23, at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero singko (5) at siete(7) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 7, 11, 18, 22, 27, 30, 35, 39 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-15-18-23-28-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-9/ 4-5-2/ 1-2-5/ 8-2-1. 6-digit: 3-2-3-1-2-5/ 6-8-2-2-1-2/ 1-2-1-7-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-17-34-47-55-66-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa orange at nasa hulihan ang dos (2). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at uno (1).
---30---

maroon at dilaw

Tumbok (10Oct05)

Dear Oliver,

April 24,1965 ang birthday ko. I have a girlfriend in Qatar. Ipinanganak siya noong April 13 1977. Pero may siyota rin ako sa U.S.A. her date of birth is June 12 1963. Sino kaya sa kanila ang mas compatible sa akin at magiging maganda ang pagsasama namin. Also ano ang lucky color, day and number ko. May swerte ba ako sa sugal? Thank you very much and more power sa inyo.

Jun (jun05@yahoo.com)

Dear Jun,

MAROON at dilaw ang mahihiwaga mong kulay. Masyado kang emosyonal kaya’t karaniwang dumarami ang iyong karelasyon bunga ng impluwensiya ng maroon. Pero ang dilaw ay nagsasabi na ikaw ay makakaranas ng pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Kahit sino sa dalawa ang makakatuluyan mo ay tiyak na kakaiba ang iyong magiging kapalaran, kapwa nagbibigay sa iyo ng buwenas ang dalawa mong dyowa. Pero kung pag-uusapan ang kakaibang kapalaran, maitutulak ka ng kapalaran sa dyowa mo na nasa USA dahil diyan lamang matutupad ang pambihirang kapalaran. Gayunman, hinihigop ka rin ng girlfriend mo sa Pinas dahil taglay din niya ang mahiwagang kulay dilaw, at tulad mo, may pambihirang buwenas din siya. Kapag nagsama kayo, ay makakaranas kayo ng maraming pagsubok at kapag nalampasan ninyo ay doon lang kayo makakatikim ng kaginhawahan.Emosyonal at masarap ding magmahal ang iyong gf sa USA na siyang magpapaliyab ng iyong pag-iibigan kaya’t kung saya ang nais mo—sa kanyang kandungan ka babagsak! Numero sais (6) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Dilaw ay gray ang buwenas ng dyowa mo sa Pinas na buwenas sa No.4 at No.5; asul at dilaw din ang buwenas ng bata mo sa USA na suwerte sa No. 3 at No.1. Tama ka, may buwenas ka sa sugal kaya’t ugaliin mo ang pagtaya ditto. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan at pagkakaroon ng kapartner sa buhay. Sa jai alai, isama mo sa No.3 at No. 1 ang No.10.Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-29-34-38-40-42.PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-10-11-16-20-23-26-30-34-37-40. Triple Number: 3-2-6/ 8-9-2/ 1-6-7. 6-digit: 3-2-3-6-7-2/ 1-2-1-2-6-2/ 7-8-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-9-12-26-44-56-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang siete (7). Mainam ang sais (6) kapag nakamarka sa orange at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
---30---

Saturday, October 08, 2005

swerteng taon

Tumbok (09Oct05)

Dear Oliver,

Ako po'y isinilang noong Enero 3, 1969. Anong kulay at mga numero po ba ang bwenas sa buhay ko? Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Mahilig akong magnegosyo, ano ang suwerte sa akin? Bigyan mo ako ng masusuwerteng taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng numero sa jai alai at lotto. Thanks and more power.

Nanot of Cotabato City (nanot@yahoo.com)

Dear Nanot,

ASUL at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Numero tres (3) at dos (2) ang buwenas mo. Ambisyoso ka pero masarap magmahal. Kailangang maging inspirado ka upang makamit mo ang pinakamataas na antas ng pagtatagumpay. Buwenas ka kapag naglagay ka ng photo ng iyong mga mahal sa buhay sa iyong wallet, sa living room ng bahay. Maraming kaibigan ang tutulong sa iyo at magbibigay ng oportunidad upang magtagumpay. Manatili kang maunawain, matulungin at mapagpatawad upang patuloy na lumapit ang buwenas at malalaking opportunity kung saan magpapasimula ng iyong pag-unlad. Iwasan mong maging sobra ang tiwala sa sarili at sikaping maging praktikal at makatotohanan. Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo tulad ng repair shop at rentals. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa nalalabing araw ng taong 2005, 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 12, 16, 23, 27 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Sabado at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No.2 ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 8, 11, 12, 20, 26, 30, 35 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-4-14-16-18-19-23-25-34-37-40-42. Triple Number: 3-4-7/ 8-9-2/ 6-5-9/ 2-1-5. 6-digit: 3-2-3-7-8-1/ 1-2-3-7-2-3/ 7-8-2-2-1-1. Bingo Mystery Eight: 3-6-11-19-34-47-70-75. Mapalad ang otso (8) kapag nakamarka sa pula at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang sais (6). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9) at tres (3).
---30---

Friday, October 07, 2005

masuwerte ba?

Tumbok (08Oct05)


Dear Oliver,

Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, hihingi sana ako ng tulong sa iyo tulad ng mga pinapayo mo sa mga readers mo. Gusto ko lang malaman kung may swerte ba akong makakamtan. Ang b-day ko ay May 01, 1952, ano po ba ang aking swerteng numero. Hanggang dito na lang and more power sa iyong kolum. GOD BLESS. Salamat

Abet ng Carmona, Cavite (abet@yahoo.com)

Dear Abet,

MAINAM naman at direct to the point ka. Isa akong beteranong texter. Dilaw at abuhin ang buwenas mo. No.1 at No. 5 ang buwenas mo. Natatabunan lamang ng mapapait mong karanasan ang magagandang bagay na nagawa mo sa nakaraan—bakit hindi mo balikan ang istorya ng iyong buhay, hindi ba’t nakatikim ka na ng magandang buhay? Yun nga lang, tumigil at nadiskaril ito. Sa totoo lang, tipikal mong mararanasan ang gulong ng buhay, hindi ka mananatiling nasa itaas kaya’t dapat na sinupin at ingatan ang magagandang kapalaran napapasakamay mo dahil bigla at dahan-dahan din itong maglalaho. Pero kapag nabibigo, hindi ka dapat nalulungkot o nagiging pesimistiko, dahil titigil ito uli at mareresolba nang kusa ang mga problema. Madali kang maimpluwensiyahan ng iyong mga kaibigan o mga taong nasa paligid mo kaya’t nawawalan ka ng direksiyon at pabago-bago na siyang tunay na dahilan ng iyong kabiguan.Kapag wala kang ambisyon, wala kang mararating! May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 1, 7, 13, 19, 28 at 31 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa sikat ng araw at nagbibiyahe. Sa jai alai, isama mo sa No. 1 at No. 5 ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-22- 34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-4-8-11-19-23-25-30-34-37-40-42. Triple Number: 5-8-2/ 8-9-2/ 1-2-4/ 8-9-2. 6-digit: 3-2-8/ 8-9-2/ 1-2-8/ 3-5-8. Bingo Mystery Eight: 2-7-34-47-44-66-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
-----30---

Tuesday, October 04, 2005

grey n grin

tumbok (06Oct05)

Dear Oliver,

BIGYAN mo ako ng masusuwerteng kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Hulyo 14, 1970. Is akong jeepney driver at natapos ko nang bayaran ang aking boundary-hulog na ipinapasada pero baon naman ako sa utang. Nag-aaral kasi ang lima kong anak. Bigyan mo naman ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

FREDDIE NG DAVAO CITY

Dear Freddie,

GRAY at green ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Ang gray ay kakulay ng abo at alikabok. Ito ay sumisimbolo sa pagpapakumbaba, na tunay ng sekreto sa pag-unlad.Ayon sa Bibliya, kung sinuman ang nagpapakababa ay siyang itinataas, at kung sino ang nagpapakataas, ay siyang ibababa! Mismong mga kaibigan at tao sa iyong paligid ang mag-aangat sa iyo, sila ang magbibigay sa iyo ng oportunidad upang kumita nang malaki. Iwasan ang makipag-away at laging umunawa at magpatawad sa mga nagkakasala sa iyo. Angkop na angkop ito sa tulad mong namamasada sa gitna ng lansangan. Sa negosyo, hindi ka dapat nagkakasya lamang sa pamamasada kasi'y puwede mo namang gamitin ang jeepney sa pagnenegosyo--sa paglalako ng produkto; pamamakyaw ng produkto sa malayo at iaalok sa mga palengke. Puwede ring gawing service sa mga estudyante at namamasukan. Kumbaga, diskarte at abilidad lang ang kailangan mo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa nalalabing araw sa taong ito, 2005 pero uulit sa 2009 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 15, 22, 28 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Numero singko (5) at dos (2) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 10. Sa lotto, pumulot ka sa 3, 9, 11, 18, 22, 27, 34, 37 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: MAGIC 12: 3-7 -11- 15- 19- 22- 25-28-34-37-40-42. Triple Number: 3-4-8/ 1-2-4/ 8-9-3/ 4-3-7. 6-digit: 3-2-6-9-2-1/ 2-1-2-6-7-2/ 4-3-2-6-9-2. Bingo Mystery Eight; 4-17- 34- 47- 55- 66- 70--73. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang siete (7). Okey ang otso (8) kapag nakasulat sa brown at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
--30--

Sunday, October 02, 2005

dilaw, abuhin

Tumbok (03Oct05)

Dear Oliver,

BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 4, 1960. May tatlong akong anak na nag-aaral pero baon na ako sa utang dahil sa mataas na matrikula. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. May maliit akong sari-sari store at isang empleado lang ang mister ko. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


EDITHA NG DAVAO CITY

Dear Editha,

DILAW at abuhin ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Kakulay ng sinag ng araw ang dilaw na nagsasabi na ikaw ay puspos ng enerhiya at resistensiya kaya't bubuwenasin ka sa mga negosyo na may 24-hour open sa serbisyo tulad ng karinderya. Ang abuhin ay kakulay ng abo na tinatangay-tangay lamang ng hangin at tubig pero malayo ang nararating. Ganyan din dapat ang diskarte sa buhay mo, makisama ka o magsipsip o magdidikit lamang sa matatagumpay at mauunlad na indibidwal at tiyak na mahahawa ka sa kanilang buwenas. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo at hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 17, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Numero kuwatro (4) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 2-7-11-15-19-23-28-30-34-38-40-42. Triple Number: 7-8-2/ 1-3-4/ 7-8-2/6-3-8. 6-digit: 3-2-3-7-1-1/ 7-3-2-3-6-2. Bingo Mystery Eight: 3-16-33-45-58-66-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang otso (8) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang nuwebe (9) kapag napagitna sa tres (3) at dos (2).
---30---